impounding

Mga sasakyan na 10-20 taon na hindi natutubos sa impounding, ipapasubasta ng MMDA

National News

Ipapa-auction na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga behikulong nasa sampu hanggang dalawampung taon. (impounding)

Ito aniya ay kapag hindi natutubos ng mga may-ari sa kanilang impounding area.

Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, pansamantalang sususpendihin ang pag-impound ng mga behikulong hinahatak.

Ito ay upang paluwagin muna ang impounding area.

Kung saan umaabot na sa 580 na behikulo at limandaang motorsiklo ang naka-impound sa Tumana, Marikina,

Nilinaw ni Pialago na hahatakin at i-impound pa rin ng MMDA ang mga lumang sasakyan, mga aroganteng driver, walang lisensya at or/cr at mga sangkot sa aksidente.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *