cash incentive

1,207 Government Workers’ Unions, makatatanggap ng cash incentive

National News

KABUUANG 1,207 Government Workers’ Unions ang kuwalipikado para makipag-negotiate at makatanggap ng hanggang P25,000 cash incentive.

Ito ay para sa bawat miyembro ngayong buwan.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ito ay sa pamamagitan ng Collective Negotiation Agreement (CNA).

Nagmula ang mga accredited union sa mga ahensya ng pamahalaan.

Kabilang ang local government units, state universities and colleges at government-owned and controlled companies and corporations.

May hanggang Enero 31 2019 ang mga ito para magsumite ng kanilang report sa DBM.

Kabilang sa mga kuwalipikadong makatanggap ng cash bonus ngayong Disyembre ang mga kawani ng pamahalaan.

Ang mga ito ay nagsisilbi sa mga ahensya na nakapag-generate ng savings sa buong taon.

Makatatanggap ng incentive ang management at rank-and-file employees ng mga ahensya.

Na may aprubado at tagumpay na naipatupad ang collective negotiation agreement.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *