TUMAAS

Cash remittances ng mga OFW noong oktubre, tumaas

National News

TUMAAS ng mahigit 8 porsyento ang cash remittances mula sa mga OFW noong Oktubre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumobo ng 8.7 percent ang OFW cash remittances.

Nasa 2.47 billion dollars noong October, mula 2.27 billion dollars sa kaparehong buwan noong 2017.

Kabilang sa mga bansang may malaking ambag sa mataas na remittances ng mga manggagawang Pinoy ay ang Amerika, Canada at Taiwan.

Ang remittances ay mahalagang pinagmumulan ng kita ng karamihan sa mga pamilyang Pinoy.

Ito ay may kontribusyon na halos 10% sa Gross Domestic Product (GDP) noong 2017.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *