Bicol Region

Full alert status, itinaas na ng PNP sa Bicol Region

Regional

 ITINAAS na sa full alert status ang buong pwersa ng Philippine National Police (PNP) sa Bicol Region.

Ayon kay PNP Region 5 Regional Director Police Chief Superintendent Arnel Escobal, itinaas ang pinakamataas na alerto sa nasabing rehiyon.

Kasunod na rin ng serye ng pag-atake ng mga hinihinalang New People’s Army sa ilang detachment ng militar at pulisya sa rehiyon.

Tulad aniya ng pag-atake ng rebelde sa Magallanes, Sorsogon kagabi na ikinasugat ng tatlong pulis at isang sibilyan.

Sinabi ni Escobal na posibleng may kasunod pa ang mga pag-atake ng NPA kaya itinaas na nila ang alerto.

Sa ngayon aniya ay tinutugis na ng PNP-Special Action Force ang mga umatakeng rebelde.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *