umabot

Ilan sa droga na nadiskubre sa magnetic lifters, posibleng umabot na sa Mindanao

National News

IGINIIT ni PDEA Director General Aaron Aquino na maaaring umabot sa Mindanao ang ilan sa mga iligal na droga.

Ito ang mga droga na nanggaling sa nadiskubreng magnetic lifters sa Cavite.

Lumabas na ang nakumpiskang shabu sa ilang bahagi ng Mindanao ay may mataas na correlation.

Kungsaan may pagkakatulad ang mga ito sa mga narekober na iligal na droga sa Manila International Container Port noong Agosto.

Ipinaliwanag ito ni Aquino batay sa kanilang drug impurity profiling.

Nangangahulugan aniya ito na i-isa lamang ang pinagmulan at gumawa ng iligal na droga.

Dagdag nito, isinagawa nila ang profiling sa dalawang lugar sa Metro Manila, isa sa Cavite at isa rin sa Mindanao.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *