Kazuo Okada

Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada, pinakakasuhan ng DOJ

National News

PINAKAKASUHAN ng Department of Justice (DOJ) ang Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada.

Kasunod ito sa umano’y paglustay ni Okada sa tatlong milyong dolyar na pondo na pag-aari ng Okada Manila Hotel.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Alejandro Daguiso, nakitaan ng probable cause para kasuhan ng tatlong counts ng estafa si Okada.

Binaligtad ng DOJ ang ruling ng Paranaque prosecutor’s office na nagbabasura sa mga kasong estafa laban kay Okada.

Nag-ugat ang kaso laban sa Japanese gaming tycoon sa reklamong inihain sa DOJ ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Incorporated.

Ang naturang resort and entertainment ay pagmay-ari ng Okada Manila Hotel Resort.

Inirekomenda ng DOJ na mabuting isalang sa isang full-blown trial sa korte.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *