labor inspections

Labor inspections sa mga establisiyamento ngayong holiday season, sinuspinde

National News

SUSPENDIDO hanggang sa Enero 15, 2019 ang lahat ng labor inspections sa mga establisiyimento ngayong holiday season.

Layunin ng hakbang na huwag mabigyan ng tsansa ang mga inspektor na makapangikil sa kasagsagan ng kapaskuhan.

Ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ilalaan aniya ang mga nabanggit na panahon sa pag-asikaso sa lahat ng nakabinbin na labor standards cases.

At paghahanda ng labor laws compliance monitoring program ng DOLE sa 2019.

Sinabi naman ng ahensya na hindi sakop ng suspensyon ang complaint inspections, technical safety inspections at occupational safety and health standards investigations.

Tiniyak ni Bello na i-a-upload sa katapusan ng taon ang resulta ng kanilang inspection activities sa Management Information System.

Upang ma-track at mapagbuti ang labor laws compliance monitoring program para sa 2019.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *