Trevor Ariza

Trevor Ariza, balik Washington Wizards

Sports

BALIK Washington Wizards si Trevor Ariza.

Ito ay matapos i-trade ng Phoenix Suns ang 6-foot-8 forward player kapalit nina Kelly Oubre Jr. at Austin Rivers.

Ayon kay Wizards president Ernie Grunfeld, si Ariza ay naging most effective, efficient at versatile player sa kanyang position.

Ito ay sa nakalipas na mahigit isang dekada.

Sinabi ni Grunfeld na kabisado na nila ang leadership at experience ni Ariza at isa ito sa respetadong propesyunal player sa liga.

Si Ariza ay unang nakapaglaro sa Washington sa 2012-2013 at 2013-2014 NBA Seasons.

Ang 15-year veteran ay may average ito na 9.9 points, 5.6 rebounds at 3.3 assists sa 26 games sa Suns ngayong season.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *