noche buena

DTI, nagsagawa ng inspeksyon sa mga noche buena products sa ilang supermarket sa Maynila

National News

Ininspeksyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo at suplay ng noche buena products sa kilalang supermarket sa Maynila.

Pinangunahan ang pag-inspeksyon ni DTI Undersecretary Ruth Castelo para matiyak na sumusunod ang mga negosyante sa itinakdang presyo ng ahensya.

Sinuri din ni Castelo ang presyo ng sardinas, pinoy tasty at pinoy pandesal at ibang basic goods pati na ang branded na loaf bread at pandesal.

Pasok naman sa Suggested Retail Price (SRP) ang mga presyo nito.

Sinabi ng opisyal na mas mababa rin ang SRP ng presyo ng noche buena item sa ilang supermarkets.

Umapela naman si Castelo sa mga mamimili na i-report sa kanilang tanggapan kung mayroon nababalitaan na nagsasamantala ngayong holiday season.

Gayunman para agad nila itong mabigyan ng kaukulang aksyon.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *