legalisasyon

Legalisasyon ng medical marijuana, dapat pag-aralang mabuti – DOJ

National News

Iminungkahi ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra na pag-aralang mabuti ang hakbang para sa legalisasyon ng medical marijuana.

Ginawa ito ni Guevarra kasunod na naging usap-usapan ang isyu ng medical marijuana.

Matapos itong matanong kay 2018 Miss Universe Catriona Gray sa prestihyosong pageant.

Ayon kay Guevarra, nasa kamay na ng Kongreso para gawing legal ang marijuana.

Sinabi ni Guevarra na nakahanda naman ang DOJ at Department of Health (DOH) na magbigay ng legal inputs sakaling umusad ang panukalang batas para rito.

Matatandaan na inaprubahan ng committee on health ang house bill number 6517 para sa legalisasyon ng marijuana na gagamitin sa gamot pero hindi para sa recreation.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *