Pinamamadali

Paghahakot ng basura na nasa Misamis Oriental, pinamamadali ng Ecowaste Coalition sa South Korean government

National News

Pinamamadali na ng isang environmental group sa gobyerno ng South Korea na hakutin na ang kanilang basura na itinambak sa container terminal sa Misamis Oriental.

Ayon sa Ecowaste Coalition, hiniling nila kay South Korean Ambassador Han Dong-Man na magbigay na ng takdang araw.

Kung kalian ibibiyahe paalis ng Pilipinas ang mahigit anim na toneladang basurang itinambak dito sa bansa.

Giit ng grupo, dapat nang maibalik sa South Korea ang mga basura bago sumapit ang araw ng pasko.

Nakatanggap din aniya sila ng kumpirmasyon sa Bureau of Customs na “ready for pick-up” na raw ang naturang mga basura.

Matatandaan na noong hulyo dumating sa Mindanao International Container Terminal sa bayan ng Tagaloan, Misamis Oriental ang bulto-bultong basurang idineklara bilang “plastic synthetic flakes.”

Nangako naman ang South Korean Embassy na ibabalik nila sa Korea ang mga basura sa lalong madaling panahon.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *