presyo

Presyo ng shabu sa NCR, tumaas – PDEA

National News

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tumaas ang presyo ng shabu sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, umaabot na umano sa 4,000 pesos ang kada gramo ng shabu.

Ito ang napag-alaman ng PDEA matapos kasuhan ang nasa apatnapu’t apat na sangkot sa shabu shipment.

Sinabi ni  PDEA Director General Aaron Aquino ang nasa apatnapu’t apat na sangkot sa 11-billion pisong shabu shipment na inilagay sa magnetic lifters.

Sa kabila nito, aminado ang pdea na hindi garantiya ang pagmahal ng presyo ng shabu na kakaunti na ang supply nito.

Subalit baka marami pang droga na hindi lang agad nailalabas dahil sa mahigpit na pagganap ng trabaho ng mga otoridad.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *