Shoot to kill

Shoot to kill order, ipinag-utos ni Pang. Duterte laban sa mga miyembro ng NPA

National News

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Shoot to kill order laban sa mga miyembro ng New Peoples Army (NPA).

Kasunod ito ng panibagong pag-atake ng mga rebelde sa Magallanes, Sorsogon.

Ikinasugat naman ito ng tatlong pulis at isang sibilyan sa kabila ng umiiral na ceasefire na idineklara ng NDF-CPP-NPA.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Barangay Summit on Good Governance Region 11 sa Davao City kahapon.

Nagbabala din ito na hindi na tatanggap ng mga npa surrenderee sa mga susunod na panahon dahil sa patuloy na pag-atake ng mga ito kahit may tigil putukan.

Sinabi ng pangulo na hindi nararapat kaawaan ang mga rebelde dahil malupit at brutal ang mga ito.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *