schedule

Holiday season schedule ng LRT-1, inilabas na

National News

Inilabas na ng LRT-1 ang schedule ng biyahe ng kanilang mga tren ngayong holiday season.

Sa abiso ng LRT-1, mula Disyembre 24 hanggang Disyembre 28 ay mananatili sa alas 4:30 ng umaga ang kanilang first train patungong Baclaran at Roosevelt stations.

Alas otso naman ng gabi ang kanilang last train patungong Baclaran at Roosevelt stations sa Disyembre 24.

Sa Disyembre 25, araw ng pasko, alas 9:45 ng gabi ang last train patungong Baclaran at 9:35pm ang alis ng last train patungong Roosevelt.

Normal naman ang schedule ng last train ng LRT-1 sa December 26, 27 at 28 kung saan alas 10:15pm ang patungo ng Baclaran at 10:00pm patungong Roosevelt.

Habang sa Disyembre 29 hanggang Enero 2, 2019 ay normal din ang oras ng alis ng unang biyahe ng tren ng LRT-1.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *