pagtaas

Pagtaas ng multa sa Illegal Parking, epektibo na kahapon

National News

Epektibo na kahapon ang pagtaas ng multa sa Illegal Parking.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, mula sa dating P200, multang P1,000 na ang ipapataw sa mga sasakyang ilegal na nakaparada.

Habang mula sa dating P500, nasa P2,000 na ang multa sa mga sasakyang ilegal na nakaparada at unattended o iniwanan ng driver.

Kung obstruction naman sa kalsada, mula sa dating P150 ay magiging P1,000 na ang multa.

Sinabi ni pialago na ang mga lalabag ay maaring maisyuhan ng traffic violation tickets.

Ito ay hanggang dalawang beses kada araw nang mayroong 3-hour interval.

Maari aniyang bayaran ang multa sa bayad center branches o sa headquarters ng MMDA sa Makati City.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *