polisiya

DepEd, pinaalala ang mahigpit na ipinatutupad na polisiya kontra bullying

National News

Pinaalalahan ng  DepEd ang mga pampubliko at pribadong paaralan na mahigpit na ipatupad ang kanilang polisiya kontra bullying.

Kasunod ito na viral video ng pambubully ng isang junior high school student ng Ateneo de Manila University sa kanyang kaeskwela.

Sa isang pahayag, ipinaalala ng kagawaran na sa DepEd order no. 40 o ang DepEd child protection policy ay responsibilidad ng mga paaralan na tiyakin na zero tolerance sa anumang uri ng karahasan ang mga bata at ang pagtatatag ng child prrotection committee sa lahat ng paaralan.

Sinabi rin ng ahensya na sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013 ay dapat magsumite ang lahat ng paaralan ng kanilang child protection o bullying policy sa division office.

Ang mga pribadong paaralan na mabibigong makasunod sa batas ay maaring ipagharap ng mga kaso.

Hinikayat naman ng deped ang mga estudyante na nakararanas o nakasaksi ng pambu-bully na agad itong isumbong sa pamunuan ng kanilang paaralan o sa kanilang mga magulang.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *