call

Miss Universe 2018 Catriona Gray nag-courtesy call kay Pang. Duterte

Showbiz

Nag-courtesy call si Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng Villamor Airbase sa lungsod ng Pasay.

Nangyari ang okasyon pasado alas sais kagabi bago bumiyahe patungong New York ang Pinay Beauty Queen.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagpalita ng pagbati sina Catriona at Pangulong Duterte sa isa’t-isa.

Nagbigay din ang pangulo ng bouquet of flowers sa Bicolana Beauty Queen.

Nagpasalamat din ang pangulo sa 24-year old beauty queen sa pag-uwi ng korona mula sa prestihiyosong beauty pageant.

Si Gray ang ikaapat na pinay na nakasungkit ng korona para sa bansa, na unang nakamit nina Gloria Diaz (1969); Margie Moran (1973); at ni Pia Wurtzbach (2015).

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *