suspek

Impormasyon sa mga suspek sa pagpatay kay Batocabe, bumubuhos

National News

PATULOY na nakakatanggap ang Philippine National Police ng impormasyon sa posibleng pagkakakilanan ng mga suspek.

Ito ay kaugnay sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Ito ang kinumpirma ni Chief Insp. Malou Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) – 5.

Ayon kay Calubaquib, buhos ang mga impormasyon na natatanggap ng Special Investigation Task Group Batocabe.

Kaugnay sa pamamaril sa kongresista sa bayan ng Daraga, Albay.

Nagbigay naman ng P31M reward money ang PNP sa sinumang makakapagbigay ng tamang impormasyon para sa pagkakahuli ng mga suspek.

Samantala, bumisita na rin sa burol ni Batocabe si Quezon City 6th District Rep. Jose Christopher Belmonte.

Gayundin ang kapatid nitong si Dennis Batocabe.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *