Miley Cyrus

Miley Cyrus at Liam Hemsworth, ikinasal ng palihim

Showbiz

USAP-usapan ngayon ang lihim na pag-iisang dibdib ng singer songwriter na si Miley Cyrus at aktor na si Liam Hemsworth.

Batay ito sa isang larawan na kumakalat ngayon sa social media.

Makikita sina Miley at Liam na nag-slice ng wedding cake ng may ‘Mr. and Mrs’ na balloons sa background.

Tuwang tuwa naman ang ibang netizens na nagsabing sa wakas ay sila pa rin ang nagkatuluyan.

Matatandaan na nagkaroon ng on and off relationship ang dalawa sa loob ng limang taon.

At noong 2016 ay kanilang sinabi na sila ay officially back together’ na nga.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *