nasawi

Nasawi sa tsunami sa Indonesia, mahigit 400 katao na

International News

UMABOT na sa mahigit 400 katao ang nasawi habang mahigit 1,500 katao ang sugatan.

Ito ay sa naganap na matinding tsunami sa isla ng Java at Sumatra, Indonesia noong Sabado.

Ayon sa mga eksperto ay may kinalaman ang pagsabog ng bulkang Anak Krakatau noong Sabado na naging dahilan ng mapaminsalang alon.

Ngayong Miyerkules ay patuloy ang paghahanap sa mahigit 150 katao na nawawala.

Habang inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa insidente.

Ngayong araw ay muling binalaan ang mga residente na lumayo sa mga karagatan sa pangambang may darating na panibagong tsunami.

Maaalalang noong Setyembre 2018 ay mahigit 2,000 katao ang nasawi sa Sulawesi, Indonesia.

Matapos yanigin ng 7.5 magnitude na lindol at tsunami ang naturang bansa na bahagi ng Pacific Ring of Fire.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *