tuldukan

Panlilinlang ng CPP-NPA, nais nang tuldukan ng isang grupo

National News

NANAWAGAN ang No to Communist Terrorist Group Coalitions (NTCC) na tuldukan na ang limampung taong panlilinlang ng Communist Party of the Philippines.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-limampung taon anibersaryo ng CPP-NPA-NDF ngayong araw.

Sa orihinal na 18 founder ng CPP, tanging si Jose Maria Sison lamang ang nanatili sa partido.

At patuloy na namumuhay ng marangya sa Netherlands.

Sinabi ito ni Mario Ludades, spokesperson ng NTCC, IP leader sa Cordillera Administrative Region.

Aniya, sa loob ng 50 taon, nanatiling bigo ang pangako ng partido.

Sa halip aniya na landas ng pambansang demokrasyang tagum­pay, libu-libong Pilipino ang nagbuwis ng buhay sa ngalan ng digmaang bayan.

Ayon kay Ludades, habang patuloy ang paggamit umano sa “legal fronts” tulad ng Anakba­yan, LFS, NUJP, CEEGP, CGM at iba pa.

Ito ay upang linlangin, galitin at i-brain wash ang mga kabataan na may matatalas ang pagsusuri para sumapi sa NPA.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *