nakatakdang

US Pres. Trump, nakatakdang bumisita sa Turkey

International News

KINUMPIRMA ng gobiyerno ng Turkey ang nakatakdang pagbisita sa bansa ni US President Donald Trump.

Nais ni Trump na bumisita sa Turkey sa susunod na taon.

Ayon ito sa tagapagsalita ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na si Ibrahim Kalim.

Ito ay matapos tanggapin ni Trump ang imbitasyon  ni Erdogan na bumisita sa bansa.

Sa panahon ito sa kanilang pag-uusap sa telepono kaugnay sa pagbawi ng U.S. Troops sa Syria.

Kinumpirma din ng White House ang nasabing imbitasyon.

Sa ngayon aniya ay wala pang itinatakdang petsa para sa pagdalaw ni Trump sa Turkey.

Matatandaan na nagtungo na rin sa White House si Erdogan noong Mayo 2017.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *