makakalaro

‘The king’ Lebron James, hindi na muna makakalaro sa mga susunod na game sa NBA

Sports

Hindi na muna makakalaro sa mga susunod na game ang NBA veteran na si ‘The king’ Lebron James dahil sa kaniyang iniindang injury.

Kinumpirma ngayong araw na mga team doctor ni Lebron matapos ang naging MRI exam nito, na nakakaranas ito ng strained groin injury.

Nakuha ni Lebron James ang kaniyang injury matapos itong madulas at nawala sa footing.

Ito ay sa kalagitnaan ng 3rd qaurter game ng Los Angeles Lakers at Golden State Warriors nitong NBA holiday game.

Sa naging pahayag naman ng coach ng Lakers na si Luke Walton, aniya hindi nila mamadaliin si James na makabalik sa paglalaro.

Pero sinisigurado nila ang dobleng pag-iingat sa muling pagbabalik ni the king sa hard court.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *