danger alert level

Danger alert level sa nag-aalburutong Bulkan Anak Krakatau, itinaas ng Indonesia

International News

Itinaas ng Indonesia ang danger alert level sa nag-aalburutong Bulkan Anak Krakatau na nagpakawala ng nakamamatay na tsunami noong nakaraang sabado.

Pinangambahan ng mga otoridad ang bagong aktibidad ng bulkan na maaaring magpakawala muli ng panibagong nakamamatay na alon.

Pinalawak na rin ang no-go zone sa paligid ng Anak Krakatau ng limang kilometro mula sa dalawang kilometro.

Habang binalaan ang mga residente na lumayo mula sa tabing dagat.

Una nang pumutok ang nasabing bulkan noong sabado na nagdulot ng malawakang tsunami na ikinamatay ng mahigit apatnaraan katao.

Isang libo’t apatnaraan at limampung limang sugatan habang isandaan limampu’t siyam ang nanatiling nawawala.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *