na-istranded

Libu-libong pasahero, na-istranded dahil sa Bagyong Usman

National News

Umabot na sa mahigit labing tatlong libo animnadaan ang mga na-istranded na pasahero sa mga pantalan sa Eastern Visayas.

Kabilang din ang Bicol Region at Northern Mindanao dahil sa Bagyong Usman.

Sa tala ng Philippine Coast Guard, pinakamaraming estranded sa Bicol Region na umaabot sa 4,842.

Sinundan ng Eastern Visayas na 4,711, habang 1,296 naman sa Southern Visayas.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 1182 rolling cargoes, 96 barko at 25 motor banca ang stranded sa ilang pantalan.

Pinapayuhan din ang lahat ng units ng PCG na siguraduhin na mahigpit na ipinatutupad ang guidelines.

Para sa movement ng mga barko sa kasagsagan ng masamang panahon.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *