sinalubong

16,000 residente sa Bacolod City, sama-samang sinalubong ang Bagong Taon

Regional

SAMA-sama namang sinalubong ng higit 16,000 residente ng Bacolod City ang New Year sa kanilang lugar.

Pinangunahan naman ng kanilang City Mayor na si Evelio Leonardia at Vice Mayor El Cid Familiaran ang nasabing New Year countdown.

Ginanap ito sa Bacolod City Government Center grounds.

Ang nasabing pagtitipon ay unang binuo ng city administration noon pang 2011.

Kungsaan ay hinalintulad nila ito sa New Year countdown ng New York City.

Nagsimula ang programa ng 6:00 ng gabi at may mga featured live band performances, singing competition.

Kabilang din ang raffle draw na ginawa bago magsimula ang countdown.

Adhikain din ng lokal na pamahalaan ng Bacolod City na maging taunang tradisyon na ito na kanilang lugar.

At maging tourist attraction sa bansa maging sa mga dayuhan.

Sa huli, mensahe ng City Mayor na si Leonardia na salubungin ang taong 2019 ng punong-puno ng kagalakan at kumpiyansa sa buhay.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *