Indonesia

Indonesia landslide, umabot na sa 15 ang nasawi

International News

UMABOT na sa 15 katao ang nasawi sa naganap na landslide sa West Java, Indonesia noong Lunes, ng Disyembre 31.

Ayon sa National Disaster Mitigation Agency ay nasa 30 bahay ang natabunan ng lupa habang nasa 60 katao naman ang nawalan ng tirahan.

Nangyari ang insidente siyam na araw matapos lamang tamaan ng tsunami ang isla ng Java at Sumatra.

Dahil sa pagsabog ng Bulkang Anak Krakatau na ikinasawi ng mahigit 400 katao.

DWSI 864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *