cybersecurity

Mahigpit na cybersecurity conditions, itatakda sa third telco player

National News

MAGTATAKDA ng mas mahigpit na cybersecurity conditions o requirements ang pamahalaan sa third telco player.

Layunin ng hakbang na maprotektahan ang national security mula sa mga posibleng banta.

Ayon ito kay Department of Information and Communications Technology (DICT) acting Secretary Eliseo Rio Jr.

Sinabi ni Rio na nakikipagtulungan na ang DICT sa mga ahensya ng pamahalaan.

Kabilang ang National Security Adviser para sa set of conditions na kailangang maabot ng bagong major player na Mislatel Consortium.

Tumanggi naman ang opisyal na ibigay ang mga partikular na kondisyon.

Subalit sinabi nito na kailangang mag-install ng monitoring tools sa network ng Mislatel.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *