Northern Mindanao

Northern Mindanao, naitala ang pinakamababang record ng firecracker injury

Regional

LUMABAS sa record ng Northern Mindanao Police na mayroon lamang apat na katao ang naitalang nasugatan.

Ito ay kasunod ng pagpapaputok sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ang mga nasagutan naman ay agad dinala sa mga pinakamalapit na ospital at nabigyan ng paunang lunas.

Sa ngayon ay nasa ayos na ang kondisyon ng lahat ng mga nasugatan.

Ayon din sa report ng Regional Police Office, masasabing ‘relatively peaceful’ ang lugar.

Kasunod ng di pagkakaroon ng mga insidenteng tulad ng paggamit ng paputok, illegal discharge of firearms, or stray bullet.

Kabilang sa mga lugar ang Camiguin, Bukidnon, Lanao del Norte, Misamis Oriental, at Misamis Occidental.

Ito na nga ang pinakamababang record na naitala ng Northern Mindanao pagdating sa mga injury incident sa pagpasok ng Bagong Taon.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *