mapayapa

Pagsalubong sa 2019 naging mapayapa ayon sa PNP

National News

NAGING mapayapa ang pagsalubong at pagdiriwang ng bagong taon sa bansa.

Ito ang pahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

Matapos maitala ang pagbaba ng halos 80% ang mga insidente ng firecracker injuries, illegal discharge of firearms at stray bullets.

Sa tala ng PNP, bumaba ng 85% o isa lamang ang insidente ng illegal discharge of firearms nitong 2018.

Kumpara ito sa pitong insidente nakaraang taon ng 2017.

Naging ligtas at peaceful din umano ang pagdiriwang ng holiday season noong 2018 kumpara sa mga nakalipas na taon.

Sinabi ni Albayalde na dahil sa koordinasyon ng PNP sa ilang ahensya ng pamahalaan ay naging ligtas at mapayapa ang holiday season.

Kasabay nito, nangako ang PNP chief na patuloy pa rin ang kanilang trabaho kahit natapos na ang New Year.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *