Pasko

Pasko at Bagong Taon sa Boracay naging mapayapa

National News

GENERALLY peaceful ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa isla ng Boracay.

Ito ay sa kabila ng pagbuhos ng mga turista na bumisita at nagbakasyon sa isla nitong holiday season.

Napuno pa rin ng mga local at foreign tourists ang isla simula Station 1 hanggang Station 3.

Ito’y kahit wala ang binabantayang bonggang fireworks display taun-taon sa gitna ng dagat.

Ipinatupad kasi ng DILG ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang fireworks display sa isla sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa kabila nito, naniniwala ang pamunuan ng Caticlan Jetty Port na posibleng hindi maabot ang target na dalawang milyong tourist arrival.

Dahil sa anim na buwang pagpapasara para sa rehabilitasyon sa isla.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *