seguridad

Seguridad ni PO3 Macaya tiniyak ng PNP

National News

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng pulis na si PO3 Federico Macaya Jr.

Pahayag ito ni Iloilo Police Provincial Office (IPPO) Director Sr. Supt. Marlon Tayaba.

Matapos makatanggap ng impormasyon na may mga rebeldeng grupo mula sa Negros Occidental ang papatay kay Macaya.

Si Macaya ay binugbog, tinutukan ng baril at dinuraan sa mukha.

Ginawa ito ng mag-amang sina Iloilo 1st District Rep. Richard Garin Guimbal at Mayor Oscar Garin Sr.

Una nang binalaan ng mag-amang Garin si Macaya na ipapapatay sa mga miyembro ng New People’s Army.

Ayon kay Tayaba, kapag may mangyaring masama kay Macaya ay wala nang ibang sisisihin kundi ang mag-amang Garin.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *