kawani

Dagdag-sahod ng mga kawani ng gobyerno, hindi maipatutupad

National News

WALA munang aasahang dagdag-sahod ang mga kawani ng gobyerno ngayong buwan.

Ito ay dahil sa kabiguan ng Kongreso na aprubahan ang panukalang 2019 National Budget.

Isasama dapat ang pang-apat na salary increase sa sweldo ngayong buwan ng mga civilian at uniformed personnel subalit naantala ito.

Ayon ito kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Paliwanag ni Diokno, kailangan pang hintayin na ma-aprubahan ang 2019 budget bago i-aplay ang ikaapat na bugso ng dagdag-sweldo.

Mag-o-operate muna ang pamahalaan sa re-enacted budget.

Ito ay dahil sa kabiguan ng Kongreso na ipasa ang panukalang 2019 budget bago matapos ang 2018.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *