epekto

Epekto ng excise tax sa langis, ngayong Enero

National News

MARARAMDAMAN ang epekto ng ikalawang bugso ng pagtaas ng excise tax sa langis sa ikatlong linggo ng Enero.

Sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na inatasan na ang mga kumpanya ng langis na i-clear muna ang kanilang 2018 inventory.

Bago ipataw ang karagdagang excise tax.

Dagdag ni Lambino, babalansehin ng rollbacks ang pagtaas ng excise tax sa krudo.

At patuloy aniyang babantayan ng gobyerno ang pagsipa ng presyo ng mga produkto ng mga kumpanya ng langis

Aniya, nasa 40 bilyong piso ang inaasahang kikitain ng pamahalaan mula sa karagdagang excise tax.

Sinabi ni Lambino na sa ilalim ng Train Law, nasa 70%  ng kita ang mapupunta sa programang pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Habang 30 percent sa social protection programs.

Kaugnay nito, nagbabala naman ang DOE na posibleng sampahan ng kasong administratibo at kriminal ang mga pasaway na kumpanya ng langis.

Kapag ang mga ito ay magpapataw ng panibagong excise tax sa kanilang lumang stocks.

Samantala, posible namang magkaroong ng panibagong oil price rollback sa ngayong weekend o sa susunod na linggo.

Ayon sa DOE, patuloy pa rin ang pagbaba ng presyuhan ng krudo sa pandaigdigang merkado sa nakalipas na mga araw.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *