nabiktima

Mga nabiktima ng paputok, pumalo na sa 288

National News

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga nabiktima ng paputok, ilang araw matapos ang pagsalubong sa bagong taon.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), 52 pang panibagong kaso ng firecracker-related injury ang naitala.

Karamihan sa mga bagong kaso ay nagmula sa National Capital Region (NCR), Region 1, 13, 4-A at Region 11.

Dahil dito, pumalo na sa 288 ang biktima ng paputok mula Disyembre 21, 2018 hanggang 6:00 kaninang umaga.

Sinabi ng DOH na 43% pa rin itong mas mababa kumpara sa kaparehas na panahon noong 2018.

At 66 percent na mas mababa sa five year average period.

Pinakamarami sa nadisgrasya ay dahil sa kwitis, luces, picollo at may nasabugan pa rin ng boga at triangulo.

Sa mga nasabugan, sampu ang kinailangan putulan habang 76 naman ang nagtamo ng eye injury.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *