namamalimos

Mga nasagip na namamalimos sa Metro Manila, mahigit isanlibo na

National News

LUMOBO na sa mahigit isanlibong mga katutubo at iba pang mga pamilya na natutulog sa lansangan at namamalimos sa Metro Manila ang nasagip ng NCRPO.

Ayon sa NCRPO, kabuuang 1,114 ang mga nasagip mula Disyembre 11, 2018 hanggang kaninang 5:00 ng madaling araw, Enero 3, 2019.

Sa nasabing bilang, 658 sa mga ito ay menor de edad habang 455 ay mga matatanda.

Pinakamaraming nasagip ang Manila Police District na may 384.

Sinundan ito ng QCPD na may 352, Southern Police District na may 300.

EASTERN Police District na may 74 at Northern Poice District na may 34.

Tinurn-over ang ilang sa mga ito sa DSWD, sa barangay at sa kanilang mga kamag-anak.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *