veteran

PBA Veteran Alapag, napabilang na sa SMB coaching staff

Sports

OPISYAL na ngang inanunsyo ngayong Huwebes ni Coach Leo Austria ang pagiging parte ng veteran player na si Jimmy Alapag.

Ito ay bilang bahagi ni Alapag sa coaching team ng San Miguel Beermen.

Nangyari ang announcement sa naging practice ng koponan ng Beermen sa Acropolis Greens.

Magiging magandang addition naman si Alapag sa Beermen.

Kasunod ng matagumpay nitong pagkakapasok sa San Miguel Alab Pilipinas sa Asean Basketball League Championship last season.

Matatandaan ding naging assistant coach si Alapag ni Tab Baldwin ng Gilas Pilipinas.

Makakasama naman ni Alapag sa coaching team ng koponan sina deputy Peter Martin, Dayong Mendoza, Boycie Zamar, Biboy Ravanes at Ato Agustin.

Pormal na ding ipinakilala sa team ng Beermen ang guard player na si Terrence Romeo matapos ma-trade ito mula sa Talk N’ Text.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *