bahagi

Taiwan, bahagi pa rin ng China – Chinese Pres. Xi

International News

BINIGYANG-diin ni Chinese President Xi Jinping na hindi mababago ang katotohanan na ang Taiwan ay bahagi ng China.

Ayon kay Xi, hindi niya isinasantabi ang paggamit ng military force bilang opsyon para matiyak ang “reunification.”

Ginawa ni Xi ang pahayag sa kanyang talumpati sa 40th anniversary ng policy statement na naging lamat sa relasyon ng China sa Taiwan.

Ang Taiwan ay tinataguriang “self-ruled island.”

Tutol din si Xi sa pagsusulong ng ideyang “Two China,” “One China-One Taiwan” o “Taiwan Independence.”

Iginiit ni Xi na magiging disaster kung ipipilit ang pagiging independent ng Taiwan mula sa China.

Opsyon umano ngayon ng Beijing ang paggamit ng anumang hakbang laban sa mga “outside forces.”

Kapag magtatangkang didiskaril ang mga ito sa mapayapang pag-iisa o “reunification” ng China at Taiwan.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *