Tokyo

Walang Pinoy na nadamay sa New Year attack sa Tokyo, Japan –DFA

National News

WALANG Pilipinong nadamay o nasaktan nang sagasaan ng isang sasakyan ang mga taong nagdiriwang sa pagsalubong sa bagong taon sa Tokyo, Japan.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ng DFA na walang Pinoy sa siyam na katao na nasugatan sa naturang insidente.

Base ito sa advisory ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo.

Ayon sa report ng Japanese authorities, sinagasaan ng 20- anyos na si Kazuhiro Kusakabe ang mga tao.

Nangyari ito sa Takeshita Street sa fashion district ng Tokyo na harajuku na nagdiriwang sa pagsalubong ng Bagong Taon.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *