DALAWAMPUNG barangay sa North Cotabato ang binigyan ng go-signal ng Commission on Elections (Comelec).
Itoay para sumali sa plebesito sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Kinabibilangan ito ng Libungan Torreta, Upper, Simsiman at Datu Mantil sa Pigcawayan.
Rajahmuda, Nunguan, Manaulanan, Bulol, Barungis, Gli-Gli, Nalapaan, Bualan, Nabundas at Panicupan sa bayan ng Pikit.
Gayundin ang Langogan, Pebpoloan, Kibayao, Kitulaan at Tupig sa Carmen maging ang Pagangan sa Aleosan.
Sasamahan ng 20 barangays ang 39 na iba pang barangay sa lalawigan na boboto sa Pebrero 6.
Bukod sa North Cotabato, ay sakop din ng botohan sa Pebrero 6 ang mga residente ng Lanao del Norte, maliban sa Iligan City.
Itinakda naman sa Enero 21 ang pagboto ng mga residente ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Kabilang ang Isabela City sa Basilan at Cotabato City.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na 24 na petisyon ang ibinasura.
Dahil sa kabiguang sumunod sa patakaran kaugnay ng voluntary inclusion sa bagong region.