Dating alkalde ng Maguindanao at isang konsehal, patay sa anti-drug operations

Regional

PATAY ang dating alkalde ng Maguindanao at anak nitong konsehal sa magkahiwalay na anti-drug operations sa nasabing lalawigan.

Napaslang ang dating mayor ng bayan ng Parang na si Talib Abo Sr. nang manlaban ito sa police team na magsisilbi sana ng arrest warrant sa Gutierrez Street.

Ayon ito kay Superintendent Aldrin Gonzales, Police Regional Office (PRO)-12 Public Information Officer.

Nanlaban din aniya si Councilor Disumimba “Bobby” Abo sa mga pulis sa Campo Muslim na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Sinabi ni Gonzales na subject naman ng search warrant si Parang Councilor Bai Amelia Abo na anak din ng dating mayor.

Subalit walang natagpuang illegal items sa loob ng kanyang bahay.

Si Abo ay pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 na isa sa mga nasa likod ng illegal drug trade sa Davao City.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *