Laoag Bypass Road, bukas na sa mga motorista

National News

SINALUBONG ng mga taga Laoag City ng magaan at walang katraffic-traffic ang kanilang taon matapos opisyal nang binuksan ang Laoag Bypass Road.

Naging madali ang naging pagbyahe ng mga bumabalik na trabahante at mag-aaral sa kanilang lugar.

Dahil na din sa alternatibong ruta na papuntang Laoag International Airport.

Maraming motorista din ang natuwa dahil nakuha nilang bumibyahe ng mas mabilis at mas magaan.

Ang nasabing proyekto ay sa pangunguna ng butihin nilang congressman na si Rodolfo Fariñas.

Natapos ang konstruksyon ng tulay noon pang November 25, 2018 ngunit nabuksan lamang bago pumasok ang bagong taon.

Ang bypass road ay may sakop na 7.99-kilometer road opening, embankment, slope protection at drainage.

Ito ay mula sa Barangay Buyon sa Bacarra hanggang sa Barangay Bengcag sa Laoag City.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *