iligal

Pamunuan ng Dasmariñas, Cavite, ibinasura ang mga iligal na paputok

National News

PINANGUNAHAN ng city mayor ng Dasmarinas, Cavite na si Elpidio Barzaga ang pagdi-dispose sa lahat ng mag iligal na paputok.

Kungsaan ay kanilang nasamsam bago pa man pumasok ang bagong taon.

Nangyari ang pagbasura sa lahat ng mga illegal fireworks, kahapon ng alas-onse ng umaga sa Barangay Fatima 1.

Ang nasabing aktibidad ay alinsundo din sa City Ordinance No. 07-S-2018.

Ang naturang ordinansa ay nagbabawal sa paggamit ng mga iligal na paputok at iregulate ang paggamit ng mga pyrotechnics.

Base din ito sa implementasyon ng Executive Order No. 28.

Ito ay naglalayong limitahan ang paggamit ng mga paputok sa bansa bagkus makiisa nalang sa mga community fireworks display.

Present din sa nasabing pagbabasura ng mga iligal na paputok ang Dasmariñas Fire Chief na si Ariel Zalun, mga city councilors at liga ng mga barangay member.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *