NBA

‘The King’ Lebron James, nangunguna sa botohan para sa NBA All-Star Game 2019

Sports

PUMALO na nga sa higit 1 milyong boto ang nakuha ng NBA star at LA Lakers forward na si ‘The King’ Lebron James sa unang tally of votes.

Para sa nalalapit na NBA All-Star Game 2019.

Nangunguna na nga si James sa Pacific Conference habang pumapangalawa naman ang Milwaukee Bucks Forward na si Giannis Antetokounmpo.

Si Antetokounmpo ay mula sa Cental Conference na mayroon na ding mag-iisang milyong boto.

Umani din ng malaking boto mula sa West Conference ang mga player na sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks.

Kabilang ang Golden State Warriors teammates Stephen Curry at Kevin Durant, at ang Minnesota Timberwolves guard na si Derrick Rose.

Nakapagtala na din highest tally of votes mula naman sa East Conference ang Boston Celtics guard na si Kyrie Irving.

Maging ang Toronto Raptors forward Kawhi Leonard, Philadelphia 76ers center Joel Embiid at Miami Heat guard Dwyane Wade.

Ang taunang pagpapakitang gilas ng mga best player ng liga sa NBA-All Star Game ay magsisimula sa February 17 ngayong taon.

Gaganapin ito sa Spectrum Center sa Charlotte, North Carolina.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *