France

France, balak magpasa ng batas laban sa mga protestante

International News

NAIS ng France na magsagawa ng batas laban sa mga ipinagbabawal na pagpoprotesta.

Kaugnay sa mga nangyayaring demonstrasyon sa bansa dahil sa pagtaas ng buwis at halaga ng pamumuhay.

Ayon kay Prime Minister Edouard Philippe ay layunin ng isasagawang batas na parusahan ang mga protestante.

Kapag ang mga ito ay lumalabag sa patakaran ng tamang demonstrasyon, pagsali sa mga ipinagbabawal na rally at pagsuot ng face mask habang nagpoprotesta.

Dagdag ni Philippe ay papagbayarin din ang mga basagulerong protestante sa kanilang mga napinsalang ari-arian.

At pagbabawalan rin na muling sumali sa susunod pang mga rallies.

Balak rin ng France na magpakalat ng nasa 80,000 kapulisan sa buong bansa para paghandaan ang susunod pang mga pagpoprotesta.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *