pamahalaan

Lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte, pinangaralan ng DILG

Regional

KINILALA ng DILG ang lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte at binigyang ng Plaque of Appreciation.

Dahil na rin sa kanilang matagumpay na pagsunod sa kampanya ng gobyerno na sugpuin ang iligal na droga sa bansa.

Tinanggap naman ng Vice Governor ng Ilocos Norte na si Eugenio Angelo Marcos Barba ang nasabing parangal.

Ginanap ito sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall ng Laoag City.

Ginawaran din ang 3 munisipalidad ng Marcos, San Nicolas at Bacarra sa Ilocos Norte.

Kasunod ito ng pagiging aktibo at pagkakaroon nila ng municipal anti-drug abuse council (MADAC).

Sa lumabas naman na datos cleared na sa droga ang 520 drug-affected barangays sa lalawigan ng Ilocos.

Noong nakaraang 2018 nga ay mayroon ng 6,459 drug surrenderers na naitala.

Kasalukuyang sumasailalim na sa voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *