IGINAGALANG ng Malacañang ang desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 150.
Ito ay sa pagbasura ng mosyon ni Senador Antonio Trillanes IV dahil sa kawalan ng sapat na basehan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hinahabol na ngayon ng batas si Trillanes.
Ito aniya ay bagaman sa kasalukuyan ay malaya ang mambabatas at maaaring nagtagumpay sa pagtakas sa kanyang pananagutan.
Sinabi ni Panelo na kumakatok na ang parusa para kay Trillanes.