Luna

Pagsibak kay PACC Atty. Manuelito Luna, hihilingin

National News

HIHILINGIN ni Labor Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa pwesto si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Manuelito Luna.

Ito aniya ay dahil umano sa pag-abuso sa kapangyarihan sa pag-imbestiga sa kanya at sa dalawang pang miyembro ng gabinete ng pangulo.

Giit ni Bello, wala siyang natanggap na kopya ng anumang reklamo laban sa kanya.

At nabatid niya lamang ang gumugulong na imbestigasyon sa mga ulat matapos itong i-anunsyo ni Luna.

Dagdag ng kalihim, hindi dapat inuunahan ang pagsisiyasat dahil alinsunod sa executive order na bumuo sa PACC, dapat ay mahinahon ang imbestigasyon.

Para maging patas sa mga respondent at mabigyan sila ng pagkakataon na sumagot.

Kaugnay nito, may paniwala naman si Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo na bilang abugado.

Aniya ay dapat bigyan ng PACC ang pagkakataon ang mga opisyal na iniimbestigahan.

Bukod kay Bello ay iniimbestigahan din ng PACC si Customs Commissioner at ngayo’y TESDA Director Isidro Lapeña.

Kabilang din sa iniimbestigahan si National Commission on Indigenous People Chairman Leonor Oralde-Quintayo.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *