shabu galing Amerika

10 kilo ng shabu galing Amerika, nasabat sa NAIA Terminal 3

Metro News

Aabot sa 10 kilo ng high grade shabu na mula sa Amerika ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Region III, Region 4-A at Bureau of Customs sa Ninoy Aquino Iinternational Airport Terminal 3.

Ang naturang kargamento ay nadiskubre na ipinadala sa isang international forwarder na nakatakdang i-deliver sa magkahiwalay na lugar ng Paranaque City at Cavite City.

Sa eksklusibong panayam ng DZAR Sonshine Radio kay PDEA Regional Director Region III kay Atty. Pabilonia, ilang araw na tinutukan ang kargamento mula sa Amerika.

Ito ay galing sa isang nagngangalang Dona dela Cruz na may resident address sa 2700 Cahuenga Blvd E. Los Angeles California.

Kinilala ng kapulisan na ang pinadalhan ng naturang kargamento ay si Arthur Santiago ng 1211 Sitio Sto. Nino, Brgy. San Martin de Porres, Paranaque City.

Ang isang kahon ay may nkapaloob na 2 foil bags na kapwa naglalaman ng shabu.

Ang isang foil bag ay nakapangalan sa isang Marilou Mendez ng 1217 Interior East Side Road, Paranaque City na kung saan inaresto ang tumanggap ng kargamento na kinilalang sina Robelles Corocoto, 29-anyos at Dolores Lintag 51-anyos.

Habang ang isa pang kahon ay ipinadala ng nagngangalang Tanya dela Cruz ng 3737 Burnet North Hills California, USA.

Ang kahon ay nakapangalan kay Mark Fojas ng L5 B4 Lessandra Executive Subdivision Molino Rd., Brgy. Nicolas, Bacoor Cavite. At ang tumanggap ay sina William de la Pesa at Daniel Roberson Andrade.

Batay sa datos ng PDEA, aabot sa P74.8-M street value ang nasabat na high grade shabu mula California.

Exclusive: Jimmy Mendoza

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *