Hand carry x ray machines sa NAIA, gumagana na

Metro News

Hand carry x ray machines, gumagana na ang ikinabit ng Bureau of Customs  (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals.

Ang mga naturang machines ay inilagay sa arrival area, dalawang unit sa Terminal 2 at 3, habang tatlong unit naman ng sa Terminal 1.

Hindi lamang dadaan sa proseso ng x-ray machines ang mga check in luggage kundi pati na rin ang  mga dala dalang hand carry bags ng mga pasahero.

Layunin ng naturang makabagong kagamitan na matulungan ang mga otoridad na ma-detect ang mga ipinapasok o ipinupuslit na kontrabando kabilang na ang mga kalakal, mga taxable items, mga hindi na ideklarang pera lalo na ang mga iligal na droga at iba pang ipinagbabawal na items.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay ibinunyag ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang bagong modus sa paliparan kung paano naipupuslit ang mga alahas at ginto sa pamamagitan ng ilang opisyal ng gobyerno kabilang ng ang mga opisyal ng Bureau of Customs.

At nito lamang nakaraan,  aabot sa 74.8 milyong pisong pisong halaga ang halos 10 kilo ng high grade shabu na mula sa Estados Unidos ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Region III, Region 4-A at Bureau of Customs  sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

 

Ulat Ni: Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *